Ang Bitcoin (BTC) ay isang currency gaya ng Philippine Peso (PHP), US Dollar (USD), Japanese Yen (JPY), at iba pang mga currencies na kontrolado ng iba't-ibang mga bansa sa buong mundo o mas kilala sa tawag na fiat currency.
Ang tanging kaibahan ng BTC sa ibang mga currency sa buong mundo ay hindi ito kontrolado ng alinmang gobyerno o ahensya nito, Ito ay tinatawag na cryptocurrency--isang currency na nakabase sa cryptography at dahil nga wala niisang may kontrol ng BTC, tinatawag din itong decentralized network.
Ang decentralized network ay isang teknolohiya na kung saan walang kung sino man ang makakapagpatigil nito at wala rin pwedeng mag manipula ng presyo nito, taliwas sa mga fiat currency ng mga gobyerno sa mundo na pwede nila pataasin o pababain ang value nito.
Bitcoin Wallet
Gaya ng iyong coin purse o wallet na pinaglalagyan mo ng iyong perang PHP, USD, or JPY, kailangan mo din ng wallet na paglalagyan ng iyong BTC, sa halip na pisikal wallet, ang ginagamit sa BTC ay digital wallet o mas kilala bilang iyong Bitcoin address.
Comments
Post a Comment